Laguna Courier - The Voice of the People Newspaper

Laguna Courier - The Voice of the People Newspaper [email protected]
[email protected]
09195028818
09278402575

LAGUNA COURIER, the Voice of the People is a regional weekly community newspaper established on February 17, 1996 by a Court Legal Researcher, writer and journalist MELINDA B. CALANASAN, now EVANGELISTA and Ms DINAH MAMIIT CARABIO (Publisher) in the City of San Pablo to serve as a mouthpiece of the common people in the Southern Tagalog area including Metro Manila and for the purpose of bringing to

the attention of the proper authorities their complaints and grievance. For twenty eight (28) years, LAGUNA COURIER has been regularly and publicly circulating weekly in the Southern Tagalog area and has been religiously furnishing copies thereof in all national government agencies including hundreds of subscribers here and abroad thru online or electronic transmission. For queries, please email or contact us at:
[email protected]
[email protected]
(049) 5732041
09195028818
09278402575

Mga kliyente ng CARD Bank, dumalo sa konekTAYO sa Samal, Davao del Norte     Dinaluhan ng 462 kliyente ng CARD Bank ang ...
05/05/2026

Mga kliyente ng CARD Bank, dumalo sa konekTAYO sa Samal, Davao del Norte

Dinaluhan ng 462 kliyente ng CARD Bank ang kauna-unahang konekTAYO 2026 na ginanap noong Abril 18, 2026 sa New Kaputian Gymnasium sa Purok Tower, Poblacion Kaputian, Samal, Davao del Norte. Layunin ng aktibidad na tulungan ang mga kliyenteng hindi pa rehistrado o hindi aktibo sa konek2CARD mobile banking app na mas maunawaan at magamit ang digital na serbisyo ng bangko.

Kasama sa programa ang pagdalo ng konek2CARD brand ambassador na si JC Santos, na nakisama sa mga kliyente at sumuporta sa layunin ng aktibidad. Ang konekTAYO ay isang inisyatiba ng CARD Mutually Reinforcing Institutions (CARD MRI) na nakatuon sa pagpapalawak ng digital financial services sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.

Sa isinagawang aktibidad, naglagay ang CARD MRI ng mga booth para sa registration ng mga bagong gumagamit ng konek2CARD app at hiwalay na booth para sa reactivation ng mga account na hindi na nagagamit. Mayroon ding mga kawani na personal na tumulong sa mga kliyente upang maituro ang tamang paggamit ng app, mula sa pag-log in hanggang sa paggawa ng mga simpleng transaksyon tulad ng pagtingin ng balanse at pagpapadala ng bayad.

Ayon kay CARD Bank President Marivic Austria, mahalaga ang ganitong mga programa upang mas mailapit ang mga serbisyo ng bangko sa mga kliyente. β€œSa pagbisita namin sa mga komunidad, layunin naming isama sila sa paglalakbay patungo sa digital innovation. Hindi lamang kami nagbibigay ng serbisyo, kundi nakikinig din kami sa kanilang pangangailangan at sinasamahan sila sa bawat hakbang,” ani Austria.

Ipinaliwanag ng mga tagapagpatupad ng programa na ang konek2CARD app ay nagbibigay ng mas mabilis, mas madali, at mas ligtas na paraan ng financial transaction ng mga kliyente. Sa pamamagitan nito, hindi na kailangang pumunta pa sa branch para sa ilang serbisyo. Ito ay nakatutulong upang makatipid sa oras at pamasahe.

Batay sa pinakahuling tala noong Marso 31, 2026, mahigit 3 milyon na ang rehistradong gumagamit ng konek2CARD app. Patuloy ang layunin ng CARD MRI na mapataas pa ang bilang na ito sa mga susunod na buwan habang pinaghuhusay din ang mga feature ng app upang maging mas maayos at episyente ang paggamit nito.

Para sa maraming dumalong kliyente, malaking tulong ang ganitong uri ng aktibidad lalo na sa mga hindi pa sanay sa paggamit ng mobile app. Sa pamamagitan ng personal na paggabay at malinaw na paliwanag, nagiging mas kumpiyansa silang gamitin ang teknolohiya sa kanilang pang-araw-araw na transaksyon.

Sa pagtatapos ng programa, muling iginiit ng CARD MRI ang kanilang pangako na patuloy na maghatid ng serbisyong abot-kaya at makabago para sa kanilang mga kliyente. Inaasahan din ang pagdaraos ng mas marami pang konekTAYO activities sa iba pang lugar sa bansa upang mas mapalawak ang akses sa digital banking at mas mapalakas ang kakayahan ng mga komunidad sa paggamit ng modernong teknolohiya. ( Josephine M. Ramos | CARD MRI Publishing House Inc. )

ππ‘πŽπ‚π‹π€πŒπ€π“πˆπŽπ 𝐍𝐎. πŸπŸπŸ‘πŸ’, 𝐬. πŸπŸŽπŸπŸ”Declaring Thursday, 7 May 2026, A Special (Non-Working) Day in the City of San Pablo, Prov...
04/05/2026

ππ‘πŽπ‚π‹π€πŒπ€π“πˆπŽπ 𝐍𝐎. πŸπŸπŸ‘πŸ’, 𝐬. πŸπŸŽπŸπŸ”
Declaring Thursday, 7 May 2026, A Special (Non-Working) Day in the City of San Pablo, Province of Laguna
Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/FwMlUm

ππ‘πŽπ‚π‹π€πŒπ€π“πˆπŽπ 𝐍𝐎. πŸπŸπŸ‘πŸ’, 𝐬. πŸπŸŽπŸπŸ”

Declaring Thursday, 7 May 2026, A Special (Non-Working) Day in the City of San Pablo, Province of Laguna

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/FwMlUm

Laguna Courier - The Voice of the People NewspaperMay 04, 2026  ~ Last Page Pension Loan Program para sa mga retiree pen...
04/05/2026

Laguna Courier - The Voice of the People Newspaper
May 04, 2026 ~ Last Page

Pension Loan Program para sa mga retiree pensioner

Para sa maraming retiradong miyembro ng SSS, ang pensyon ang nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng pang-araw-araw na gastusin. Ngunit hindi maiiwasan ang mga sitwasyong nangangailangan ng agarang pondo lalo na sa kalusugan, emergency, o iba pang biglaang pangangailangan. Dito nagiging mahalaga ang Pension Loan Program (PLP), isang loan facility na idinisenyo para sa mga pensioner na nangangailangan ng karagdagang suporta nang hindi nalulubog sa mataas na interes ng informal lenders o loan sharks.

Nais muna naming linawin na hindi awtomatikong benepisyo ang Pension Loan dahil may malinaw ito na qualifying conditions. Para sa retirement pensioners, kinakailangang rehistrado sa My.SSS ang miyembro, updated ang contact details, at may enrolled na disbursement account. Mahalaga rin na ang age requirement ay hindi dapat lalampas sa 85 taong gulang sa katapusan ng loan term. Ibig sabihin, ang edad sa oras ng pag-avail ay naka-angkla sa haba ng loan na pipiliin.

Bukod dito, dapat aktibo ang status ng pensyon at nakakatanggap na ng buwanang pensyon nang hindi bababa sa isang buwan. Wala rin dapat na kasalukuyang deductions sa pensyon, walang existing advance pension mula sa calamity loan package, at walang record ng fraud laban sa SSS. Ang mga kondisyong ito ay malinaw na inilagay upang matiyak na ang loan ay napupunta sa mga kwalipikadong pensioner at mananatiling manageable ang pagbabayad.

Pagdating sa loanable amount, may malinaw na framework ang programa. Ang halaga ng loan ay nakabatay sa tinatawag na Aggregate Monthly Pension, at maaaring pumili ang pensioner ng katumbas ng 3, 6, 9, o 12 buwan nito. Ngunit, hindi maaaring lumampas ang loan amount sa β‚±300,000.

Kasabay nito, may mahalagang safeguard ang ating pensioners para makasigurong may matatanggap pa rin silang buwanang pensyon. May itinakdang Net Take Home Pension (NTHP) ang SSS na kung saan hindi bababa sa 40% ng kanilang buwanang pensyon matapos ibawas ang pension loan amortization. Kung sakaling mas mababa sa 40% ang NTHP, awtomatikong ire-recompute ang loan amount upang masigurong may sapat na matitira para sa pang-araw-araw na gastusin ng pensioner. Ito ang isang kritikal na mekanismo na pumipigil sa over-borrowing.

Sa usapin ng payment terms, simple at direkta ang sistema. Ang loan ay may repayment periods na 6, 12, o 24 months, depende sa napiling loan amount. Ang pagbabayad ay hindi na kailangang gawin nang manu-mano. Awtomatikong ibinabawas ang buwanang amortization mula sa pensyon. Nagsisimula ang unang hulog sa ikalawang buwan matapos ma-grant ang loan.

May interest rate na 10% kada taon, computed sa diminishing balance. Mayroon ding 2% service fee, pati pro-rated interest at insurance premium na ibinabawas agad sa loan proceeds. Mahalaga ring banggitin ang credit life insurance, na kung sakaling pumanaw ang borrower bago matapos ang loan term, ang natitirang balanse ay sasagutin ng insurance at hindi na ipapasa sa mga benepisyaryo.

Sa kabuuan, malinaw ang intensyon ng Pension Loan Program: magbigay ng mas ligtas, mas abot-kaya, at mas maayos na alternatibo sa pangungutang. Ngunit hindi ito nangangahulugan na dapat basta na lamang umutang. Ang katotohanan, bawat kaltas sa pensyon ay may direktang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng pensioner.

Kaya ang tanong ay hindi lamang β€œMagkano ang maaaring hiramin?” kundi β€œKaya bang bayaran nang hindi naaapektuhan ang pangangailangan araw-araw?” Ang loan ay dapat maging solusyon, hindi panibagong problema.

Sa huli, ang Pension Loan Program ay isang mahalagang safety net. Ngunit tulad ng anumang financial tool, ang tunay na benepisyo nito ay nakasalalay sa tamang paggamit. Ang disiplina sa pagba-budget at malinaw na pag-unawa sa terms ang magtitiyak na ang tulong na ito ay magdudulot ng ginhawa at hindi pasanin.

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na page ng SSS sa Facebook, X (dating Twitter), YouTube, at Viber – hanapin lang ang MYSSSPH. Maaari ring magpadala ng email sa [email protected], ang local na email address sa rehiyon para sa inyong katanungan, o tumawag sa SSS Hotline 1455 para sa mga paglilinaw, o anumang paksa tungkol sa SSS. Bukas din ang [email protected] para sa inyong concerns at katanungan. ~ Bok Acnalbo








Philippine Social Security System - SSS

Our Flipbook:https://heyzine.com/flip-book/1f4a9d2ca4.htmlServices Offered PUBLICATION OF:πŸ”ΉοΈLegal and Judicial NoticesπŸ”ΉοΈ...
03/05/2026

Our Flipbook:

https://heyzine.com/flip-book/1f4a9d2ca4.html

Services Offered

PUBLICATION OF:
πŸ”ΉοΈLegal and Judicial Notices
πŸ”ΉοΈCorrection of First Name / Gender / Date of Birth
πŸ”ΉοΈExtra-Judicial Settlement of Estate / Partition / Absolute Sale / Self-Adjudication (Land/House/Bank Accounts/Vehicle/Shares of Stock)
πŸ”ΉοΈDeed of Sale
πŸ”ΉοΈNotice of Loss
πŸ”ΉοΈMotor Vehicle Change of Ownership
πŸ”ΉοΈADVERTISEMENT
πŸ”ΉοΈand other publication services

π—£π—›π—œπ—Ÿπ—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—¬π—”π—žπ—”π—£ 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π— π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—šπ—”π—ͺ𝗔, π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—”π—— 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π— π—”π—Ÿπ—ŸBilang pagpapahalaga at pagpupugay sa ambag ng mga manggagawa s...
01/05/2026

π—£π—›π—œπ—Ÿπ—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—¬π—”π—žπ—”π—£ 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π— π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—šπ—”π—ͺ𝗔, π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—”π—— 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π— π—”π—Ÿπ—Ÿ

Bilang pagpapahalaga at pagpupugay sa ambag ng mga manggagawa sa pagpapaunlad ng bansa, inilunsad ngayong Araw ng Paggawa, Mayo 1, ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) Clinic sa mga malls, isang pagpapakita ng malasakit sa kapakanan ng mga manggagawa na ilapit pa ang serbisyo ng gobyerno ukol sa primary health care sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.

Sentro ng aktibidad at programa sa Calabarzon ang WalterMart Santa Rosa sa Laguna, kung saan binigyang-diin na ang kalusugan ng mga empleyado ay pundasyon ng ekonomiya at paggawa sa rehiyon, na isa sa mga tinuturing na highly-industrialized region sa bansa. Ilan sa mga nakuhang serbisyo ng mga manggagawa ay ang pagpaparehistro sa eGovPH system, pagpili ng accredited YAKAP Clinic, at pagdaraos ng first patient encounter.

Ang PhilHealth YAKAP ang pangunahing programa para sa implementasyon ng Universal Health Care para sa ikabubuti ng preventive care o pag-iwas sa sakit bago pa lumala ang sakit.

Pwedeng matanggap ng PhilHealth members sa ilalim ng YAKAP ang libreng konsultasyon sa mga accredited na doctor, libreng laboratory at diagnostic tests, libreng gamot na may halagang P20,000 kada taon, at cancer screening.

Sinuportahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) IV-A at ng lokal na pamahalaan ng Santa Rosa, Laguna ang paglulunsad ng programa, at pinuri din ang katatagan at sipag ng mga manggagawa ngayong Araw ng Paggawa.

Maaari nang magparehistro ang mga manggagawa sa mabilis at maginhawang paraan gamit ang eGovPH app upang direktang maikonekta sa kanilang napiling YAKAP provider.



01/05/2026

: You walk in… and suddenly you’re Miranda Priestlyβ€”effortless, iconic, and impossible to ignore. πŸ‘ βœ¨

Step into your main character momentβ€”watch The Devil Wears Prada at SM Cinema, then shop like you own the runway this May 1–3 at SM City San Pablo. πŸ›οΈ

Natural na madiskarte ang mga Pilipino. Pero sa pagnenegosyo, hindi sapat ang diskarte lang. Kailangan may plano at pana...
01/05/2026

Natural na madiskarte ang mga Pilipino. Pero sa pagnenegosyo, hindi sapat ang diskarte lang. Kailangan may plano at panangga sa posibleng pagkalugi.

Iyan ang layunin ng risk mitigation β€” protektahan ang pinaghirapan.

Sa episode 6 ng Ka-Nayon: Usapang buhay at Kabuhayan, pag-uusapan ang Mitigating Business Risk kasama sina Dr. Jaime Aristotle B. Alip, CARD MRI Founder & Chairman Emeritus, at Roby Alampay ng PumaPodcast. Ibinahagi rin ng dalawang negosyante na sina Rezzie Tolentino at Yolly Gaceta ang mga naranasang pagsubok at panganib sa pagnenegosyo.

Panoorin ang buong episode:
πŸŽ₯ https://youtu.be/9NEu5MS9IKw?si=SiAhObNLpzsmqH5r

1 like. "Ka-Nayon: Usapang Buhay at Kabuhayan | Episode 6: Mitigating Business Risk"

SSS, inilunsad ang SSS CAREavan bilang buwanang coverage drive sa Luzon South 1SAN PEDRO CITY, Laguna β€” Inilunsad ng Soc...
01/05/2026

SSS, inilunsad ang SSS CAREavan bilang buwanang coverage drive sa Luzon South 1

SAN PEDRO CITY, Laguna β€” Inilunsad ng Social Security System (SSS) Luzon South 1 Division ang SSS CAREavan sa ilalim ng Joint Coverage Drive 2026, na nakatakdang isagawa bilang buwanang aktibidad sa iba’t ibang lugar sa buong saklaw ng dibisyon upang mapalawak ang social security coverage.

Ang SSS CAREavan, na nangangahulugang Counsel, Assist, Reinforce Employers, ay isang inisyatibong naglalayong dalhin ang mga serbisyo ng SSS nang direkta sa komunidad at palakasin ang compliance ng mga employer.

Unang isinagawa ang rollout sa San Pedro City sa pangunguna ng SSS San Pedro Branch, ngunit ayon sa SSS, simula pa lamang ito ng serye ng mga coverage drive na iikot sa buong hurisdiksyon ng Luzon South 1 Division.

Sa isinagawang aktibidad, lumitaw ang ilang compliance gapsβ€”kabilang ang mga establisyimentong hindi pa rehistrado sa SSS at mga empleyadong hindi naire-report ng kanilang employer. Mayroon ding mga kaso kung saan ang ilang manggagawa ay hinuhulugan bilang self-employed o voluntary members kahit sila ay dapat na saklaw ng compulsory coverage bilang empleyado.

Ayon kay SSS Luzon South 1 Division Vice President Engr. Edwin Igharas, layunin ng inisyatibo na palakasin ang abot ng ahensya sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga sangay.

β€œMinabuti nating magsama-sama ang lahat ng labintatlong branches upang mas mapalawak ang ating maaabot na mga business establishments at employers,” ani Igharas.

Binigyang-diin din niya ang dalawang pangunahing layunin ng programa.

β€œUna, ipalaganap ang kahalagahan ng SSS sa lahat ng manggagawang Pilipino. Ikalawa, tiyakin na may access sila sa social security benefits,” aniya.

Dagdag pa niya, mahalagang maunawaan ng mga employer ang kanilang obligasyon sa ilalim ng batas.

β€œKailangang malaman ng mga business establishments na obligasyon nilang i-report sa SSS ang kanilang mga empleyado. Kaya paigtingin natin ang kampanya para matiyak ang tamang coverage,” dagdag ni Igharas.

Target ng SSS CAREavan ang maliliit at katamtamang negosyo (SMEs), self-employed individuals, market vendors, at mga employer na hindi pa rehistrado, pati na rin ang mga boluntaryong miyembro. Sa pamamagitan ng on-site services tulad ng employer at member registration, beripikasyon ng kontribusyon, at agarang konsultasyon, tinutulungan ang mga stakeholder na maitama ang kanilang status at makasunod sa mga alituntunin ng SSS.

Isinasagawa ang programa sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang partner agencies upang matiyak ang mas epektibong implementasyon sa bawat lugar na mapupuntahan.

Sa pagpapatuloy ng buwanang rollout ng SSS CAREavan, inaasahang mas mapapabilis ang pagpaparehistro, matutugunan ang mga isyu sa compliance, at mas mapapalawak ang proteksyong panlipunan para sa mga manggagawa sa buong Laguna, Cavite at Quezon.

Your long weekend deserves more than just plansβ€”it deserves an experience. 🍿πŸ₯€Grab the limited-edition snack set and enjo...
01/05/2026

Your long weekend deserves more than just plansβ€”it deserves an experience. 🍿πŸ₯€
Grab the limited-edition snack set and enjoy the movie everyone’s lining up to see.
Don’t miss out while supplies last. Watch The Devil Wears Prada 2 at SM Cinema, where big moments live.
BUY YOUR TICKETS NOW:
πŸ“± SM Cinema App
β—‰ Apple: https://gosm.link/SMCinemaAppApple
β—‰ Android: https://gosm.link/SMCinemaAppAndroid
πŸ”— www.smcinema.com
🎟 SM Cinema ticket booths



In observance of LABOR DAY
30/04/2026

In observance of LABOR DAY

30/04/2026

Handa na ba kayo, mga Ka-Nayon?
Sa Episode 6 ng Ka-Nayon: Usapang Buhay at Kabuhayan, makakasama ni CARD MRI Founder and Chair Emeritus Dr. Jaime Aristotle B. Alip sina Rizalina Tolentino at Yolanda Gaceta. Alamin ang kanilang mga diskarte sa negosyo, mula sa pagpili ng supplier, tamang pag-iinvest, hanggang sa pagharap sa mga hamon ng pagnenegosyo!
Huwag itong palampasin, abangan!

Address

#25 Marcial Alimario Corner E. Robles Sts. , Brgy. III-B
San Pablo City
4000

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 7am - 3pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laguna Courier - The Voice of the People Newspaper posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Laguna Courier - The Voice of the People Newspaper:

Share