San Miguel Mdrrmo

San Miguel Mdrrmo Protecting Lives... Strengthening Communities...

MAHALAGANG ANUNSYO: Para po sa kaalaman ng lahat, mula po ngaung araw na ito Mayo 7 hanggang bukas Mayo 8, magkakaroon p...
06/05/2026

MAHALAGANG ANUNSYO:

Para po sa kaalaman ng lahat, mula po ngaung araw na ito Mayo 7 hanggang bukas Mayo 8, magkakaroon po ng pagbabago ng ruta ng mga sasakyan sa mga kalsada patungo sa Simbahan ni San Miguel Arkanghel. Ito po ay ginawa upang masiguro ang kaayusan ng daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan ng mga deboto at mamamayan na manood ng parada at event. Ang kalsada po ng De Leon St ay isasara na mula Mayo 7-8. Inaasahan po namin ang inyong kooperasyon at supporta upang magkaroon po tayo ng isang ligtas at masayang kapistahan ng ating mahal na patron San Miguel Arkanghel.

Hangad po ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno ng ating epektibo at masipag na Punong Bayan Mayor B**g Alvarez katuwang ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na maging mas LIGTAS, MAAYOS, MALINIS at MAGANDA ang ating pamayanan para po sa kaunlaran ng Mayumong Bayan ng San Miguel.

MARAMING SALAMAT PO 💯✅👍👌💙❤️💙



Handa na ba kayong mag-ingay, San Miguel?! 🔥Inaanyayahan ang lahat ng San Migueleños na makisaya sa pinakaaabangang Batt...
04/05/2026

Handa na ba kayong mag-ingay, San Miguel?! 🔥

Inaanyayahan ang lahat ng San Migueleños na makisaya sa pinakaaabangang Battle of the Bands - Battle of Champions na handog ng ating masipag at epektibong Punong Bayan Mayor B**g Alvarez ngayong May 8, 2026, 7:30PM na gaganapin sa Patio Mayor ng San Miguel Arkanghel Parish! Dadaluhan po ang tapatan na ito ng SAMPU (10) magagaling na banda mula Manila, Cavite, Laguna, Muntinlupa, Pampanga, Nueva Ecija, Quezon City, Valenzuela at San Miguel, Bulacan 👍👌💙❤️💙

Huwag palampasin ang gabing puno ng rock, kantahan, at astig na tugtugan. Damhin ang matitinding tugtugan, at maki-jam sa isang gabing puno ng saya, sigawan, at solid na performances! 💯✅👍👌

Mas lalo pang paiinitin ang gabi dahil pagkatapos ng Battle of the Band makakasama natin ang legendary rock band na SHAMROCK‼️

I-tag na ang iyong mga tropa at ISHARE ANG POST🤘

Bahagi ito ng masayang pagdiriwang ng Kapistahan ng Bayan ng San Miguel. Kita-kits San Migueleños!




**gAlvarez

MAHALAGANG ANUNSYO: Para po sa kaalaman ng lahat, mula po Abril 29 hanggang Mayo 6 magkakaroon po ng pagbabago ng ruta n...
27/04/2026

MAHALAGANG ANUNSYO:

Para po sa kaalaman ng lahat, mula po Abril 29 hanggang Mayo 6 magkakaroon po ng pagbabago ng ruta ng mga sasakyan sa mga kalsada patungo sa Simbahan ni San Miguel Arkanghel. Ito po ay ginawa upang masiguro ang kaayusan ng daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan ng mga deboto at mamamayan na papasyal sa patio sa panahon ng novenario. Pagsapit po ng Mayo 6 magpapaskil po tayong muli ng bagong ruta ng trapiko para sa Mayo 7-8 dahil may mga kalsada po na isasara. Inaasahan po naming ang inyong kooperasyon at supporta upang magkaroon po tayo ng isang ligtas at masayang kapistahan ng ating mahal na patron San Miguel Arkanghel.

Hangad po ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno ng ating epektibo at masipag na Punong Bayan Mayor B**g Alvarez katuwang ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na maging mas LIGTAS, MAAYOS, MALINIS at MAGANDA ang ating pamayanan para po sa kaunlaran ng Mayumong Bayan ng San Miguel.

MARAMING SALAMAT PO 💯✅👍👌💙❤️💙



03/04/2026

Hangad po ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno ng ating mahusay at epektibong Punong Bayan Mayor B**g Alvarez na maging mas LIGTAS, MAAYOS, MALINIS at MAGANDA ang ating pamayanan para po sa kaunlaran ng Mayumong Bayan ng San Miguel! 💯✅👍👌💙❤️💙








Soundtrack by: Mendiola Domingo
Viedo Editing: John Paul Rico Franco

EMERGENCY RESPONSE‼️ Grassfire na magkakasunod sa 3 barangay ngaun Biyernes Santo🔥🔥🔥DATE: April 3, 2026TYPE OF EMERGENCY...
03/04/2026

EMERGENCY RESPONSE‼️
Grassfire na magkakasunod sa 3 barangay ngaun Biyernes Santo🔥🔥🔥

DATE: April 3, 2026
TYPE OF EMERGENCY: Grass Fire 🔥🔥🔥
WHERE: Barangay Sta Ines (Boundary with Calumpang), Barangay Paliwasan, Barangay Sta. Rita Matanda (Gilid ng St. Marys), SMB
TIME: 12:30 PM, 3PM & 4:30PM
RESPONDERS: BFP San Miguel 🚒 & MDRRMO Fire Rescue 🚒

Rumisponde po sa mga tawag ng emerhensiya ang ating MDRRMO Fire Rescue Response Team (MDRRMO-FRRT) 🚒 sa pangunguna po ng BFP San Miguel sa mga grassfire sa Barangay Sta Ines (Boundary with Calumpang), Barangay Paliwasan at Barangay Sta. Rita Matanda (Gilid ng St. Marys). Mabilis na kumalat at lumawak ang sakop ng sunog dahil sa lakas ng hangin at tuyot na mga damo at pananim. Dahil sa epektibong at mahusay na pamamaraan ng ating mga pinagsanib na mga bumbero, mabilis po nating napigil ang pagkalat ng apoy, naiwasan pong kumalat pa at tuluyang naapula ang nasabing mga grassfire.

Hangad po ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno ng ating mahal na Punong Bayan Mayor B**g Alvarez, katuwang ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na maging mas LIGTAS, MAAYOS, MALINIS at MAGANDA ang ating pamayanan para po sa kaunlaran ng Mayumong Bayan ng San Miguel! 💯✅👍👌💙❤️💙

"Isulong ang Kaunlaran, Sunog ay Iwasan, Kaalaman at Pag-iingat ang Kailangan‼️💯✅"






ATM: SEMANA SANTA 2026Ang tanggapan po ng MDRRMO San Miguel katuwang ang BFP San Miguel at PNP San Miguel ay kasalukuyan...
02/04/2026

ATM: SEMANA SANTA 2026

Ang tanggapan po ng MDRRMO San Miguel katuwang ang BFP San Miguel at PNP San Miguel ay kasalukuyang nagsasagawa ng aktibong programang Lakbay Alalay para sa Semana Santa 2026 mula Marso 30 hanggang Abril 5, 2026 na matatagpuan sa National Highway, Sea Oil Gas Station Barangay Camias, San Miguel Bulacan. Layunin po nito na magbigay ng maayos at ligtas na byahe para sa mga motorista at commuters na uuwi sa kani-kanilang mga lalawigan. 🚒🚚🚓🚑

Hangad po ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno ng ating mahal na Punong Bayan Mayor B**g Alvarez, katuwang ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na maging mas LIGTAS at MAAYOS ang paglalakbay ng mga motorista ngaung panahon ng Semana Santa 💯✅👍👌💙❤️💙






MAHALAGANG BABALA‼️Ang Mayumong Bayan ng San Miguel ay kasalukuyang  nakakaranas ng heat index na 38°C... Ito po ay tata...
02/04/2026

MAHALAGANG BABALA‼️

Ang Mayumong Bayan ng San Miguel ay kasalukuyang nakakaranas ng heat index na 38°C... Ito po ay tatagal hanggang bukas ayon sa forecast.

Ang heat index na 38°C ay nasa ilalim ng kategoryang "Extreme Caution" (Matinding Pag-iingat) ayon sa PAGASA. Sa ganitong temperatura, posible ang heat cramps at heat exhaustion, at maaaring humantong sa heat stroke ang matagal na pagkababad sa init o pisikal na aktibidad.

Narito ang mga mahahalagang paalala sa mamamayan:
1. Proteksyon sa Katawan at Kalusugan

Uminom ng maraming tubig: Huwag hintayin mauhaw. Uminom ng 8-10 baso ng tubig bawat araw.

Iwasan ang mga inuming nagpapa-dehydrate: Limitahan o iwasan ang kape, tsaa, soda, at alkohol.

Magsuot ng tamang damit: Gumamit ng magaan, maluwag, at light-colored na damit.

Proteksyon sa araw: Magpayong, magsumbrero, at magsuot ng sunblock kung lalabas.

2. Pag-iwas sa Init (Activity Management)

Limitahan ang oras sa labas: Iwasang lumabas sa pagitan ng 10:00 AM hanggang 4:00 PM, kung kailan pinakamainit.

Magpahinga sa lilim: Kung nagtatrabaho sa labas, magpahinga sa lilim o malamig na lugar kada 15-20 minuto.

I-schedule ang mabibigat na gawain: Gawin ang mga pisikal na trabaho sa umaga o hapon.

3. Pag-aangkop sa Kapaligiran

Manatili sa malamig na lugar: Manatili sa air-conditioned na bahay, mall, o mga lugar na may magandang bentilasyon.

Palamigin ang katawan: Maligo ng malamig na tubig o gumamit ng basang bimpo sa noo at batok.

Mag-ingat sa biglang paglamig: Iwasang pumasok agad sa napakalamig na air-con galing sa sobrang init upang hindi magulat ang katawan.

4. Paalala sa mga Vunerable Groups

Bantayan ang mga bata, matatanda, at buntis: Mas sensitibo sila sa heat stroke. Siguraduhing hydrated sila at nasa komportableng lugar.

Huwag mag-iwan ng tao o pet sa sasakyan: Mabilis tumaas ang temperatura sa loob ng nakaparadang sasakyan

Hangad po ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno ng ating mahal na Punong bayan Mayor B**g Alvarez, katuwang ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan na maging mas LIGTAS, MAAYOS, MALINIS at MAGANDA ang ating pamayanan para po sa kaunlaran nga Mayumong Bayan ng San Miguel 💯✅👍👌💙❤️💙









CC: Ocd Region 3, Dmgc, Maimpis, Csfp

EMERGENCY RESPONSE‼️ DATE: March 31, 2026TYPE OF EMERGENCY: Grass Fire 🔥🔥🔥WHERE: Barangay Cambio & Barangay Malibay, SMB...
01/04/2026

EMERGENCY RESPONSE‼️

DATE: March 31, 2026
TYPE OF EMERGENCY: Grass Fire 🔥🔥🔥
WHERE: Barangay Cambio & Barangay Malibay, SMB
TIME: Around 12:30 PM & 3PM
RESPONDERS: BFP San Miguel 🚒 & MDRRMO Fire Rescue 🚒

Rumisponde po sa mga tawag ng emerhensiya ang ating MDRRMO Fire Rescue Response Team (MDRRMO-FRRT) 🚒 sa pangunguna po ng BFP San Miguel sa mga grass fire sa Barangay Malibay at Barangay Cambio. Mabilis na kumalat at lumawak ang sakop ng sunog dahil sa lakas ng hangin at tuyot na mga damo at pananim. Dahil sa epektibong at mahusay na pamamaraan ng ating mga pinagsanib na mga bumbero, mabilis po nating napigil ang pagkalat ng apoy, naiwasan pong kumalat pa at tuluyang naapula ang nasabing mga grassfire.

Hangad po ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno ng ating mahal na Punong Bayan Mayor B**g Alvarez, katuwang ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na maging mas LIGTAS, MAAYOS, MALINIS at MAGANDA ang ating pamayanan para po sa kaunlaran ng Mayumong Bayan ng San Miguel! 💯✅👍👌💙❤️💙

"Isulong ang Kaunlaran, Sunog ay Iwasan, Kaalaman at Pag-iingat ang Kailangan‼️💯✅"






EMERGENCY RESPONSE‼️ DATE: March 14, 2026TYPE OF EMERGENCY: Grass FireWHERE: Barangay Sta. Ines, SMB TIME: Around 1:30 P...
14/03/2026

EMERGENCY RESPONSE‼️

DATE: March 14, 2026
TYPE OF EMERGENCY: Grass Fire
WHERE: Barangay Sta. Ines, SMB
TIME: Around 1:30 PM
RESPONDERS: BFP San Miguel & MDRRMO Fire Rescue

Rumisponde po sa isang tawag ng emerhensiya ang ating MDRRMO Fire Rescue Response Team (MDRRMO-FRRT) sa pangunguna po ng BFP San Miguel sa isang grass fire sa Barangay Sta. Ines. Mabilis na kumalat at lumawak ang sakop ng sunog dahil sa lakas ng hangin at tuyot na mga damo at pananim. Dahil sa epektibong at mahusay na pamamaraan ng ating mga pinagsanib na mga bumbero, mabilis po nating napigil ang pagkalat ng apoy, naiwasan pong kumalat pa at tuluyang naapula ang sunog bandang 5pm.

Sinisikap po ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan Mayor B**g Alvarez , katuwang ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na maging mas LIGTAS, MAAYOS, MALINIS at MAGANDA ang ating pamayanan para po sa kaunlaran ng Mayumong Bayan ng San Miguel! 💯✅👍👌💙❤️💙

"Isulong ang Kaunlaran, Sunog ay Iwasan, Kaalaman at Pag-iingat ang Kailangan‼️💯✅"






Address

Victor Street
San Miguel
3011

Telephone

+639177152016

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Miguel Mdrrmo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to San Miguel Mdrrmo:

Share