18/09/2022
Lahat ng bagay, tao, at pangyayari ay may hangganan. Kahit pa ang kabutihan o kasalanan. Pumili kana lang kung ang hangganan mo ay kamatayan o pagbabago ng isipan. Wag mong ipagyabang ang bukas dahil baka bukas ikaw ay singilin ng kapalaran. Maging masaya ngayon at bawat araw ay may galak, pagkat bukas makalawa ang oras mo ay di na papatak at lingid sating kaalaman, hindi tayo ang magtatamasa ng huling halakhak dahil tayoy mistulang halaman, na tutubo't malalagas kasama ng paglaho ng dating makulay na mga bulaklak.
Wag nating sukatin ang buhay sa salapi o materyal pagkat sa huling hukay kahit ang pusot utak mo'y di mo makakasama sa paglalakbay. Tanging ikaw lang mag isa, kasama na iyong kaluluwa, masisilayan mong ang pagpanaw ng katawang lupa mo'y siyang hudyat ng pag uumpisa. Malalaman mong ang bawat kaisipan at mga pangyayaring naganap, ay naitala hindi sa iyong katawang materyal kundi sa iyong tunay na ganap. Sa iyong pagpanaw ay mas higit na galak ang sayo ay babalot, na sa kabilang mundo, sila'y nagluluksa't nagsusumamo. Ngunit ikaw ay nasa tunay na paglalakbay at hindi maihahambing sa espirito. Doon ka mamumulat kung anong kasinungalingang mayroon sa "langit" at "impiyerno".
Kung susubukin ang iyong paniniwala sa iyong isipang pang mortal, ay lahat ng ginagaw ng sinumang mabuting tao ngunit makasalanan ay pawang immoral, pagkat ang isipan ay may sala, ang damdamin mo'y puno ng pagkabagabag, na kung sumambit man ng kaligtasan minsa'y sila din nama'y walang katiyakan, kung ang kaligtasan at mga aral ba na ito ay siyang tunay na tangan. Walang kailangang iligtas pagkat lahat naman may kasalanan, sa kung ano ang iyong papel sa mundong ito'y sa kamatayan mo lang masisilayan.
- MLN
Ctto