14/05/2026
𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗦𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢
Inaasahang muling tataas ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo, habang posible namang bumaba ang presyo ng diesel, ayon sa mga fuel retailer.
Kasunod ito ng patuloy na paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa krisis sa Middle East, na may direktang epekto sa gastusin sa transportasyon at presyo ng mga bilihin sa bansa.
Patuloy namang mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon habang isinusulong ang energy security sa mga regional discussions.