22/03/2020
COVID-19?, QUARANTINE?, ASYMPTOMATIC??🤷♀️🤷♂️
Lahat tayo ay nabahala 😦😫🥺ang iba'y nagalit 😤🤬sa biglaang desisyon ng ating Gobyerno ng ipatupad ang enhanced community quarantine. Ang iba'y nagtataka🤔 kun bakit buong Luzon kasama. Marami ang nabahala dahil sa NO WORK, NO PAY. Lahat ng kabuhayan ay apektado.
Bakit kaya ito(Covid-19) nakakatakot😱? Ano ba ang asymptomatic😶? Bakit kailangan ang community quarantine at lock down sa ibat ibang lungsod?
NAKAKATAKOT ito dahil walang gamot o bakuna. Mabilis naikakalat sa pamamagitan ng likidong lumalabas sa katawan ng may sakit kagaya ng pagdura, pagubo, pagbahing at pag singa🤧. ( Karamihan sa ating nga kababayan ay d man lang magtakip nga bibig kapag umuubo o nagbabahing at nagdudura pa kung saan-saan)
KAPAG mahina ang resistensya ng taong mahahawa ikamamatay nya ito. Lahat ng namatay deretso na susunugin ang katawan o tinatawag na cremation.
NAKAKATAKOT dahil hindi natin alam kung ilan na talaga ang may sakit na COVID-19 dahil sa mga ASYMPTOMATIC na tao.
ASYMPTOMATIC na tao- sila ang mga taong nahawaan ng COVID-19 pero dahil malakas ang kanilang resistensya ay walang silang ipinakikitang symptomas kagaya ng lagnat, ubo, hirap sa paghinga. SUBALIT SILA AY NAKA HAHAWA.
Kinailangan ng Gobyerno ang enhanced community quarantine para maiwasan ang pagkalat nito.
PAANO itong quarantine maka tutulong?...Kung ang isang tao ay ASYMPTOMATIC at hindi nya ito alam sya ay makikipag halobilo pa sa iba at mahahawa nya ang mga ito(anak, kapatid, magulang, kabarkada, katrabaho, naka sabay sa bus o jeep o naka salubong lamang). At ganyan din ang mangyayari sa mga taong mahahawaan nya. Ito ang dahilan kung bakit marami na ang kaso natin ng COVID-19.
SA TOTOO LANG ang BILANG na ipinakikita sa telebisyon ay kakaunti sa totoong may sakit kasi HINDI lahat pwde ipasa ilalim sa COVID-19 test dahil kaunti lang ang KIT (pang test dito sa Pilipinas kung positibo ka ).
Ipinatupad ang quarantine dahil sa sitwasyong nabanggit ko.Kung susundin nating lahat ang quarantine mababawasan ang pagkalat nito. Tandaan na kailangan 2 semana o katumbas sa 14 hanggang 20 araw ang dapat na quarantine.
Magtataka kayo kung bakit halos isang(1) buwan ang quarantine na ipinatupad...ito ay dahil aantayin natin na kumonti ang bilang ng mahahawaan at yung huling mahahawa kailangan munang siguraduhing gumaling at d na maka hahawa sa iba.
Kasama ang buong Luzon sa ipinatupad na quarantine sa kadahilanang baka isa sa mga nagsiuwian sa kani kanilang probinsya ay Asymptomatomic/infected na ng COVID-19.
Huwag na natin gayahin ang nangyari sa Italya kung saan ang mga kabataan ay hindi naniniwalang ang COVID-19 ay naka mamatay at walang gamot. Hindi nila sinunod at inag walang bahala ang autoridad ang IBA ay nagkaroon pa ng mga pagtitipon at nagdaos ng PARTY.
Sa mga litratong ipinakita ko dito makikita ang ka hindik hindik na sitwasyon na sana wag nating danasin.
Magdasa at magkaisa 👫👬👭 tayo sa pagpatupad ng quarantine.
Ipagdasal 🙏natin na palakasin at hindi mahawaan lahat ng mga nasa frontline workers (doctor, nurse, mga militar,pulis, mga health workers) at iba pang mga taong kailangan sa labas nagsisilbi habang tayo ay nasa ilalim ng quarantine at sa opisyales ng gobyerno harinawa lahat sila ay gumawa ng desisyon hindi lamang sa pansarili kundi sa kapakanan ng lahat ng tao.
WAG MATIGAS ANG ULO MGA PINOY KUNG AYAW MONG ABUTIN TAYO NG 2-4 NA BUWANG QUARANTINE!(O MAHIGIT PA)
..nasa huli ang PAG SISISI🤦♀️🤦♂️
CTTO