Metro Manila Daily News

Metro Manila Daily News Philippine Trending News

SUNOG SA BASECO COMPOUNDSumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Gasangan, Baseco Compound sa Port Area,...
30/05/2026

SUNOG SA BASECO COMPOUND

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Gasangan, Baseco Compound sa Port Area, Manila ngayong Sabado, Mayo 30.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas na sa ikatlong alarma ang sunog bandang 11:34 a.m. habang patuloy ang pagresponde ng mga bumbero sa lugar.

πŸ“Έ: Philippine Red Cross/Facebook

LOOK: Senator Jinggoy Estrada arrives at the Sandiganbayan with members of his family and legal counsel on Friday, May 2...
29/05/2026

LOOK: Senator Jinggoy Estrada arrives at the Sandiganbayan with members of his family and legal counsel on Friday, May 29, 2026, to post bail in connection with his graft case.

VP Sara Duterte, bumisita sa Our Lady of Fatima Parish Church sa Quezon CityNagbahagi si Vice President Sara Duterte ng ...
25/05/2026

VP Sara Duterte, bumisita sa Our Lady of Fatima Parish Church sa Quezon City

Nagbahagi si Vice President Sara Duterte ng ilang larawan sa social media matapos ang kanyang pagbisita sa Our Lady of Fatima Parish Church sa Quezon City noong Marso.

β€œBuong puso ang ating pasasalamat sa pagkakataong mabisita ang Our Lady of Fatima Parish Church sa Quezon City noong Marso. Ipinagdasal natin ang kapayapaan ng ating mga komunidad at ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa, lalo na sa gitna ng krisis na ating hinaharap bunsod ng kaguluhan sa Gitnang Silangan,” ani Duterte.

β€œPatuloy tayong maging matatag sa gitna ng mga pagsubok at hamon sa buhay,” dagdag pa niya.

24/05/2026

π€π„π‘πˆπ€π‹ π•πˆπ„π– 𝐍𝐆 π’π”ππŽπ† 𝐒𝐀 ππ€π‘πŽπ‹π€ π‚πŽπŒππŽπ”ππƒ 𝐒𝐀 πŒπ€π˜ππˆπ‹π€

Tanaw ang lawak ng pinsala ng sunog na sumiklab sa Gate 54-56 Parola Compound Brgy 275 Binondo Maynila sa drone footages na kuha ng ng MPD Delpan Police Station 12.

Sumiklab ang sunog dakong alas-3 ng hapon nitong Sabado, May 23 2026.

Tumulong ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagresponde sa sunog sa Parola Compound sa Delpan, Binondo, Maynila nitong ...
24/05/2026

Tumulong ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagresponde sa sunog sa Parola Compound sa Delpan, Binondo, Maynila nitong Sabado.

Nagpadala ang BFP at mga volunteer group ng 55 fire truck habang nag-deploy naman ang PCG ng mga bangka at nagbigay ng first aid sa mga residenteng naapektuhan.

Tuluyang nakontrol ang sunog bandang alas-12:15 ng madaling araw ng Linggo, ayon sa BFP.

24/05/2026

BABALA, MAY MGA LENGGUWAHENG HINDI ANGKOP SA MGA BATA

β€œNag-sorry na ako sa ’yo!”
β€œTumaas ang dugo ko sa ’yo!”

Nagkaroon ng mainitang komprontasyon sa pagitan ng jeepney driver at UV Express driver matapos umanong masagi ng jeep ang UV.

Ayon sa uploader na si Ramil Suan Oliver, hinarang umano ng UV driver ang jeep dahil tinangka raw nitong umalis matapos ang insidente. Sa video, makikitang umawat ang ilang pasahero at sinabing nag-sorry naman na ang jeepney driver.

Depensa naman ng UV driver, hindi sapat ang paghingi ng tawad dahil may tinamaan sa kanyang sasakyan.

Kalaunan, nagtungo sa barangay ang dalawang kampo upang pag-usapan ang insidente.

video courtesy: ABANTE

TINGNAN: Bumagsak ang isang ipinapatayong gusali sa Teodoro Street, Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga nitong madali...
24/05/2026

TINGNAN: Bumagsak ang isang ipinapatayong gusali sa Teodoro Street, Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga nitong madaling araw ng Mayo 24, 2026.

Batay sa paunang imbestigasyon, nasa siyam na palapag ang naturang gusali na gumuho.

Pagsapit ng alas-6:00 ng umaga, anim na katao na ang nailigtas at agad na nabigyan ng tulong ng lokal na pamahalaan.

Patuloy naman ang rescue operations ng mga awtoridad para sa iba pang posibleng naipit sa ilalim ng mga guho.

πŸ“Έ: Angeles City Government

13/05/2026

PANOORIN: Pumasok sa Senado ang karagdagang tauhan ng SOCO ngayong Mayo 13. | via Madelyn Moratillo

13/05/2026

Statement on the Events at the Senate of the Philippines

TINGNAN| Ibinaba ng PHIVOLCS sa magnitude 6.0 ang lindol na naranasan kaninang 2:09PM sa San Julian, Eastern Samar May l...
04/05/2026

TINGNAN| Ibinaba ng PHIVOLCS sa magnitude 6.0 ang lindol na naranasan kaninang 2:09PM sa San Julian, Eastern Samar
May lalim ito na 56 kilometro, at tectonic ang origin.

Naitala ang Intensity V sa Tacloban City; Intensity III sa Casiguran at Juban, Sorsogon; at Intensito II sa Tandag city, Surigao del Sur.

Address

Manila
1007

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Metro Manila Daily News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share