06/02/2026
HND SILA MAKAKAGALAW KAPAG NARIYAN ANG AMERIKA, KAYA TULOY LNG ANG DRILLING, HAYAAN PO NATING MAG NGAW NGAW SILA TRABAHO LNG TAYO, PARA MAKA TULONG SA PILIPINAS ANG LANGIS NA MAKUKUHA NATIN SA WEST PHILIPPINES SEA.
EDCA: Panangga laban sa panghihimasok
Madalas ilarawan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) bilang pagsuko ng soberanya. Ito ang paulit-ulit na ikinakatuwiran ng mga nag-iingay at tumututol sa kasunduang ito sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Sa katotohanan, ang EDCA ay instrumento ng pagpapatibay ng depensa sa sariling bakuran. Pinapalakas nito ang kakayahan ng bansa na ipagtanggol ang sarili sa gitna ng tumitinding banta sa rehiyon.
Hindi na bago ang sistematikong pangha-harass ng China sa West Philippine Sea—pagtaboy sa mangingisda, water cannon, at tahasang pagbaluktot sa batas-dagat. Hindi Pilipinas ang nagsimula ng tensyon, ngunit malinaw na itinutulak ng China sa alanganin ang sitwasyon. Sa ganitong kalagayan, ang EDCA ay nagsisilbing deterrence—isang paalala na ang Pilipinas ay hindi nag-iisa, at ang anumang agresyon ay may kapalit na political at security cost.
Kaya nakababahala kapag may mga personalidad sa social media, gaya ng isang kilalang Facebook account na SirGen TheLion, na hayagang nananawagan na ipawalang-bisa o ipatigil ang EDCA sites. Ang ganitong panawagan ay hindi hiwalay sa mas malawak na pro-China na naratibo: pahinain ang kakayahan ng Pilipinas na ipagtanggol ang sarili, alisin ang mga pananggalang, at iwan ang bansa sa harap ng isang mas makapangyarihan at agresibong kapitbahay. Nakakagalit at nakakasakit ng damdamin na kapwa nating mga Pilipino ay handang ihain ang ating bansa sa China.
Higit pa rito, praktikal ang EDCA. Pinapabilis nito ang humanitarian response sa kalamidad, pinapalakas ang interoperability ng sandatahang lakas, at tumutulong sa modernisasyon ng depensa—lahat ay nananatiling nasa kontrol at kamay ng Pilipinas. Ang tunay na pagsuko ng soberanya ay ang pananahimik at pag-atras sa harap ng pang-aabuso. Sa isang rehiyong patuloy na nakakaranas ng dahas, ang EDCA ay hindi provocation, kundi panangga.