20/07/2020
Sa mga nagtatanung kung antik yung gamit nila at nagpapa appraise ng value dahil sa napanood sa KMJS kagabi. Sa PHILIPPINE ANTIQUES EXAMINED (PAE) group po yung na feature duon hindi po dito. Dahil kaibigan at kakilala ko naman po yung mga admin ng grupo na iyon. Subukan ko sagutin yung makakaya ko lang po dahil sa dami ng mga nagtatanung hindi ko po kau lahat masasagot. FLOODED na po ng inquiry yung page. Para sa mga nagtatanung, I hope the following would be sufficient to answer your inquiries.
1. Ang ANTIQUE po ay 100 years old up or equal to 4 GENERATIONS. 1 GENERATION = 25-30 years.
2. Hindi po lahat ng antik ay me value. Pag common at makikita nyo kung saan saan eh wag na po kayo umasa ng libo libo o milyon milyon or yung 1k per year na madalas sinasabi ng mga nagmamagaling. Sa totoo lang po tayo.
3. Kaya kung magtatanung po kayo tungkol sa sewing machine gagamba, kutsara, tinidor, pera, celpon, banga, palayok, paso at iba pa na ordinary gamit. Wag na po kayo umasa na yun ang kasagutan ng inyong pangarap. Just be happy with what you have. Pwede nyo naman ibenta sa selling sites madami naman dyan.. Madalas po kasi yung mga nagtatanung ng presyo nagagalit pag mababa sa expectation nila dahil pati SENTIMENTAL value sinasama. E kung mataas pala sentimental value sa inyo bakit niyo binebenta in the first place. Dapat itabi nyo at ipamana na lang sa susunod na generation.
4. Sa mga nagtatanung, just send pictures. Don't flood us with questions and narratives na wala naman picture. Use your common sense and dont waste both of our time.
5. Kung wala po ako reply, ibig sabihin po nun eh itabi nyo lang lang for keeps. Most likely common at ordinary po ang gamit. No value or mababa lang po. At wag po sana kayo magalit kung walang reply. Alam nyo na po ibig sabihin kung walang reply.
6. Sa lahat ng mga nagtatanung at nakabasa nito. Marami po Salamat sa inyong pagunawa.