05/06/2024
Magkausap kame ni wife nung isang gabi. Napag usapan namen na isa samen mag resign na lang muna para talagang matutukan ang mga bata. Sabe ni wife, sya na lang daw magresign. Magiging housewife daw sya. Para more time with the kids. At para mas maasikaso daw nya ako. Sabe ko okay lang. Pero kelangan namen i-adjust yung lifestyle namen syempre. Simple naman ang pamumuhay namen pero magiging mas simple pa kung hindi na kame magiging double income. As a simple family lang ang atake. Wala na masyadong gala. Mas madalas nang magluluto sa bahay. Hindi na magdadrive tru o magpapadeliver ng iced coffee. Hindi na gaanong bibili ng kung ano anong mga laruan para sa bata. Wala nang shapee shapee. Tas hindi na masyadong gagastos para sa skincare. And feeling naman namen, kaya namen.
Ayun, kagabe tinanong nya ko kung gusto ko daw ba mag Cebu o Bohol. Sabe ko Japan!
As a simple family pa nga.