14/11/2025
https://www.facebook.com/share/1AjGakukJF/
Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang lahat na saksihan ang Culminating Activity ng Los Baños Creative Workshop: Brigada Sining na gaganapin sa Nobyembre 15, 2025, ganap na 2:30 ng hapon sa Caesar P. Perez Memorial Stadium and Evacuation Center.
Ang Brigada Sining ay isang makabuluhang programa ng Philippine High School for the Arts (PHSA) na naglalayong palakasin ang kultura, sining, at malikhaing kakayahan ng kabataang Los Bañense sa pamamagitan ng serye ng gawaing pangkultura at pang-edukasyon. Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO), at DepEd Los Baños, tampok dito ang malikhaing outputs, pagtatanghal, at iba pang presentasyon na bunga ng sama-samang pag-aaral at paghubog ng talento.
Mataas na pagpapahalaga sa sining ang ibinibigay ng Pamahalaang Bayan, sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, bilang mahalagang puwersa sa pagpapatatag ng identidad at kabataang may malasakit at talento. Kaya naman, bukas ang paanyaya sa lahat upang suportahan at pahalagahan ang likhang-sining ng ating kabataan.
Tara na at makiisa sa pagdiriwang ng sining, kultura, at pagkamalikhain ng Los Baños, isang patunay na sa ating bayan, ang sining ay lakas, at ang kabataan ay pag-asa ng bayan.