27/01/2024
Sa Hirap at Ginhawa may DIYOS kang KASAMA isinulat ni: Dez Datiles
Buong katawan ko'y
napuno ng sugat
Sa karamdaman na
di ko alam kung ito'y
may lunas.
Ako'y nilait, nilayuan,
at pinandirihan.
Pagka't takot na sila'y
mahawaan.
Katawan at kalooban ko'y
kapwa naghirap
Ito'y batid mo ngang lahat,
aking kalooban at
pinagdaanan.
Kaya't ako'y iyong
sinaklolohan.
Di ka nagdalawang-isip
na ako'y damayan.
Ako'y iyong tinulungan
at inahon sa matinding
kahirapan.
Hindi mo nga tuluyang
pinabayaan at hinayaan
na ako'y magpatuloy
sa aking kalagayan.
Kagalingan at Kalakasan
sa piling mo'y aking
nakamta't naranasan.
Ikaw nga ang TUNAY
at dakilang manggagamot
ng aking BUHAY.
UTANG ko sa iyo aking BUHAY!
Kaya't pinaka mataas
na papuri't pagsamba't pasasalamat ay tanging saiyo ko lang dapat ialay habang ako'y nabubuhay!
Muntik na sanang MAPAHAMAK!
Muntik nang matuklaw
ng AHAS!
Sa bingit ng KAMATAYAN
ako'y nakatakas.
Pagka't ako'y iniwas mo't iniligtas.
Ikaw nga ang DIYOS
na sa aki'y nag-iingat.
Ikaw ang aking DIYOS
na lagi kong hinahanap;
Ang uhaw kong kaluluwa'y tanging ikaw nga ang hangad;
Para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas.
Hindi ko kayang mabuhay kung ika'y wala saking landas.
Sa banig ng KARAMDAMAN.
Ako'y iyong sinamahan at dinamayan.
BUHAY ko'y inalis mo
sa KAMATAYAN.
At binigyan mo ng
Kaginhawaan at
Kagalingan.
Ibinalik mo aking
LAKAS at binigyan mo
ng panibagong BUKAS!
Ako'y nalulong at naging mangmang.
Bisyo'y naging
aking KASIYAHAN.
Paglalasing, Paninigarilyo't Bawal na gamot aking
naging LIBANGAN.
Bisyo'y walang dulot na KABUTIHAN.
Pagka't sa tao'y
nagpapababa ng
DANGAL.
Sa pamilya'y dulot
pagkawasak at kaguluhan.
Sa katawa'y bunga'y
pagkakasakit at KARAMDAMAN.
Katigasan ng ulo'y
aking pinairal.
Walang halaga sakin
iyong pagsuway at pangaral!
Kaya't KAMATAYAN sana ang kabayaran ng aking KASALANAN.
Kung ito'y hindi ko pinakinggan.
Ako'y inilayo mo't iniligtas
sa Daan ng KAPAHAMAKAN!
Binigyan mo ng bagong-buhay!
Ika'y aking naging ilaw.
Mata'y binuksan at iminulat sa KATOTOHANAN.
Kaya't habang ako'y nabubuhay.
Ang yong salita't katuwiran ang dapat kong lakaran.
Pagka't dulot nito'y LIWANAG, pag-asa't kaligtasan magpakailanman!
Sa ilalim ng dagat
at ilog!
Ako'y ilang beses mong sinagip at sinisid!
Ako'y di mo hinayaang malunod at mamatay!
Ako'y iyong sinamahan!
Ako'y iniligtas sa bingit ng KAMATAYAN!
Ikaw aking DIYOS ay laging maaasahan!
Panginoong Yahweh!
Bayani ka
ng aking buhay,
nararapat kang
bigyan ng papuri't
parangal magpakailanman.
Sa humaharorot na mga sasakyan sa lansangan.
Ako'y ilang beses na sanang
muntik masagasaan.
Ngunit ako'y di mo pinabayaan
at ito'y di mo hinayaan.
Pagka't ako'y iningatan!
Ika'y DIYOS ko sa anumang panganib!
Saan man ako magpunta.
Ika'y nais kong laging kasama!
Pagka't dulot nito'y kapanatagan at ginhawa!
Mga salita't pangako mo'y TUNAY kong mapagkakatiwalaan.
Sa LAHAT ng oras ito'y aking mapapakinabangan!
Sa aking puso't kaluluwa'y dulot nito'y kasiyaha't kagalakan
magpakailanman. Amen! 🙏❤️
!
Writer: Dez Datiles Sto Tomas
Location: Legazpi City, Albay
Date: January 27, 2023