20/09/2023
Magandang balita!
Patuloy ang pagbaba ng power rate na ipatutupad ngayong buwan ng Setyembre 2023.
Mula Php 11.8726/kwh noong buwan ng Agosto, ngayong buwan ay Php 10.5497/kwh na lang para sa residential consumers.
Mula naman sa Php 10.6823/kwh ay bumaba ito ngayong buwan sa Php 9.3594/kwh para sa low voltage consumers.
Habang ang singil sa high voltage consumers ngayong Setyembre ay Php 8.0266/kwh mula sa dating Php 9.3397/kwh.
Kasabay ng magandang balitang ito ay umabot na sa halagang one billion nine million three hundred sixty-five thousand six hundred eighty-six and twenty-four cents (₽1,009,365,686.24) ang naipong pondo ng Kooperatiba ngayong Sept 20, 2023.
Ito ay ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng ISELCO II na nakaipon ng ganito kalaking halaga na kung saan makatutulong para sa pagpapabuti at pagsasa-ayos pa lalo ng serbisyong pangkuryente para sa mga MCOs ng kooperatiba.
Ito ay naisakatuparan sa loob lamang ng siyam na buwan sa pamumuno ni Acting General Manager, Engr. Erni Baggao.
Ang kasalukuyang pamumuno ni AGM Baggao ay nakatuon sa pagbibigay ng mas abot-kayang taripa ng kuryente para sa mga member-consumer-owners.
Bukod pa rito ay tinututukan rin niyang mabuti ang mga plano at programa sa pagpapataas ng collection efficiency at pagbaba ng Systems Loss ng Kooperatiba sapagkat ito ay isa sa mga batayan ng Kooperatibang nasa mabuting estado o katayuan.
Muli ay nagpapaabot ng pasasalamat si AGM Baggao at ang buong pamunuan ng ISELCO II sa lahat ng mga member-consumers na patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa ating Kooperatiba.