Cave Wellspring Water Refilling Station

Cave Wellspring Water Refilling Station Not just a business but services to community to supply clean healthy wholesome water.

09/03/2026
08/03/2026
08/03/2026
08/03/2026

PARANGAL PARA SA 18 EX-MARINES, ‘DI NADALUHAN DAHIL SA BANTA

Hindi umano nakadalo ang 18 nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine Corps sa isang parangal para sa kanila matapos makatanggap umano ng banta sa kanilang buhay.

Ayon kay dating Rep. Mike Defensor, napilitan ang grupo na mag-pull out sa isang event sa Valle Verde Country Club matapos umano nilang mapansing napapaligiran na sila ng ilang kahina-hinalang indibidwal.

“Sabi nila sa akin, ‘Sir, kailangan natin mag-pull out… napapaligiran na tayo,’” kuwento ni Defensor.

Aniya, bago ang kanilang pag-alis ay napansin umano ng grupo ang ilang taong may hawak na radyo sa paligid ng venue habang may mga motorsiklo ring sumunod sa kanilang sasakyan.

“Paglabas namin, nakita namin may tatlong tao na may radyo. Sa kabilang kalye may nagra-radyo rin, tapos pag-andar namin may dalawang motor na sumunod,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Defensor na may nakahanda na umanong escape plan ang grupo sakaling magkaroon ng ganitong sitwasyon.

“Magagaling naman sila, alam nila kung paano ang escape route. Naplano na iyon bago pa sila pumunta roon,” ani Defensor.

Iginiit din niya na mas mainam umanong tutukan ang imbestigasyon sa mga alegasyon ng korapsyon kaysa sa mga taong nagsasalita

08/03/2026
06/03/2026
06/03/2026

"SELECTIVE" NA IMBESTIGASYON

Binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte ang malaking pagkakaiba sa pagtrato sa mga isyu sa bansa.

Ayon sa kanya, habang ang mga paratang laban sa kaniya ay agad na ginagawang “sentro ng mga pagdinig… at walang humpay na fishing expeditions,” tila naghahari naman ang “nakakabinging katahimikan” pagdating sa mga ulat tungkol sa bilyon-bilyong suhol na idinadaan umano sa mga maleta.

Iginiit ng Pangalawang Pangulo na hindi dapat namimili ang mga mambabatas at civil society groups kung sino lamang ang dapat papanagutin at imbestigahan.

“Ang pera ng bayan ay hindi dapat inilalagay sa maleta, at ang katotohanan ay hindi dapat inilalagay sa katahimikan,” ani VP Sara.

Address

Puso Poblacion Cordova Cebu
Cordova
6017

Opening Hours

Monday 6am - 5pm
Tuesday 6am - 5pm
Wednesday 6am - 5pm
Thursday 6am - 5pm
Friday 6am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Telephone

4968117

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cave Wellspring Water Refilling Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share