San Isidro Catanauan Quezon

San Isidro Catanauan Quezon Brgy. San Isidro, Catanauan, Quezon, Philippines

05/06/2025

Inaasahang maaapektuhan ng 12-oras na brownout ang mga residente ng 13 bayan sa Quezon sa darating na Sabado, Hunyo 7, 2025, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang nasabing power interruption ay bahagi ng kanilang scheduled maintenance work at line clearing sa 69kV transmission line na nag-uugnay sa Gumaca, Pitogo, at Mulanay.

Kabilang sa mga lugar na mawawalan ng kuryente ang mga bayan ng Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Pitogo, Macalelon, General Luna, Catanauan, Mulanay, Buenavista, San Narciso, San Andres, at San Francisco.

Apektado rin sa aktibidad ang Pitogo substation na sasailalim sa pagsusuri at maintenance ng 5MVA power transformer at iba pang high-voltage equipment.

Dahil dito, pinayuhan ang mga residente at negosyong apektado na maghanda at isaalang-alang ang mahabang pagkawala ng kuryente sa kanilang araw.

15/05/2025
14/05/2025

PRAY FOR OUR FARMERS ON THE FEAST OF ST ISIDORE

Praying for our farmers on the feast day of St. Isidore is a meaningful gesture, as he is the patron saint of farmers and rural communities. Let's pray for their strength, safety, abundant harvests, and resilience amidst challenges, asking for divine guidance and blessings to sustain their hard work and dedication to nourishing our communities.

08/04/2025

Ang COMENDADOR AT ALMA BELLA Bus Transit noon🚌 “Ang tunay na hari ng daan” ay mga pampublikong sasakyan na dinisenyo upang magdala ng mas maraming mga pasahero sa Catanauan noon.

Taong 1972- Nagkameron ng Comendador Bus Transit sa Catanauan na pagmamay-ari ng mag-asawang Ginoong Demet at maybahay na si Ginang Vicky, at Taong 1985-1987 sumunod na lumabas ang Alma Bella Bus Transit na pagmamayari ng isang banyagang Italyano.

📸 Mark Angelo Roll

10/03/2025

MANILA – A planned toll road extending South Luzon Expressway (SLEX) to the Bicol Region is expected to reduce transport costs, improve supply chains, and create thousands of jobs, a House leader said Monday. In a statement, House Committee on Ways and Means chair and Albay Rep. Joey Salceda…

24/02/2025

The Department of Public Works and Highways has completed a section of the Catanauan Diversion Road in the municipality of Catanauan in Quezon province, it says Monday (Feb. 24, 2025).

The new road is seen to ease congestion in urban centers, improve connectivity among municipalities in the 3rd District of Quezon, and serve as a crucial link for trade and commerce. | Photo courtesy of DPWH

PANAWAGAN PARA SA MAAYOS NA LANSANGAN SA LALAWIGAN NG QUEZONKami, obispo, mga pari, mga relihiyosa, at mga lider-layko n...
02/02/2025

PANAWAGAN PARA SA MAAYOS NA LANSANGAN
SA LALAWIGAN NG QUEZON

Kami, obispo, mga pari, mga relihiyosa, at mga lider-layko ng Diyosesis ng Gumaca at mga mamamayang Pilipino, ay nananawagan para sa maayos na mga pangunahing lansangan sa lalawigan ng Quezon.
Nanawagan kami sa lahat ng ahensya ng pamahalaan upang tugunan ang suliraning nagdala ng kahihiyan sa Quezon bilang probinsya na may pinakamasasamang highway sa CALABARZON. Nag-aanyaya rin kami sa iba’t ibang sektor ng lipunan para sa sama-samang pagninilay at pagpapahayag ng saloobin ukol sa mga baku-bakong lansangan at mga kaugnay na usapin.
Bilang isang sambayanan, naglalahad kami ngayon ng bukas na liham sapagkat malinaw na hindi napapakinggan ang hinaing ng mga mamamayan sa social media. Pang-araw-araw nang viral sa Facebook ang mga reklamong may kasama pang larawan at video ng mga sira-sirang daan, heavy traffic, mga nabubulok na produkto, at mga aksidente. Higit pang nagte-trending ang ganitong reklamo kapag dumadagsa ang mga byahero tuwing Undas at Pasko. Nitong nakaraang taon, marami ang nagpasiyang hindi na umuwi sa mga probinsya dahil sa takot na maulit ang mga napakasasamang karanasan sa pagdaan sa mga highway ng Quezon.
Kung may tugon man sa mga hinaing, ang mga ito ay pawang gamot-kabayo at panakip-butas lamang. Tinatapalan ng lupa ang mga butas ng aspalto. Nagkakaroon din ng pag-aaspalto upang takpan ang mga wasak na kongkreto sa ilalim. Manaka-naka ay nagkakaroon ng mga pagbubungkal ng semento, subalit bago matapos ang buong proyekto, bitak-bitak na ang semento ng mga naunang bahagi. Ang mga ito ay panandalian at tingi-tinging solusyon sa mga suliranin, subalit walang pangmatagalang pagsasaayos.
Sama-sama kaming nagpapahayag sapagkat malinaw na hindi sapat ang aming hiwa-hiwalay na paglapit sa mga namamuno sa probinsya at sa mga bayan, pati na rin sa mga inhinyero ng DPWH. Ang karaniwang tugon na aming nakukuha mula sa kanila ay:
“Walang budget.”
“Hindi sakop ng kanilang opisina ang maintenance and repair ng partikular na bahagi ng Quezon highway.”
“Wala silang kakayanang ayusin ang sira-sirang highway.”
Hindi namin maiwasang magtanong, “Bakit, sa pangkalahatan, higit na malalapad, makikinis at kaaya-ayang maglakbay sa mga highway ng ibang lalawigan ng CALABARZON?”
Hindi lamang usapin ng transportasyon ang sira-sirang highway dito sa Quezon. Sintomas ito ng mas malalalim na problema ng politika sa buong bansa. Ipinapakita nito na political survival ang pangunahing agenda ng mga may-kapangyarihan. Ginagamit nila ang yaman ng bayan para makapanatili sa kapangyarihan habang kinakaligtaan ang pangkalahatang kabutihan, lalo na ng mga higit na nangangailangan.
Naniniwala kami na kailangan ng tapusin ang pananahimik sa harap ng mga hinaing ng bayan. Kailangang magkaroon ng tinig ang ating pananampalataya sa mga talakayang panlipunan. Pinanghahawakan namin ang likas na kabutihan at malasakit ng mga taong nasa gobyerno. Umaasa din kami na marami ang handang makipagtulungan upang isulong ang mabuti at pigilan ang lumalaganap na sistema ng kurapsyon sa ating minamahal na bayan.
Ipinahayag ngayong ika-2 ng Pebrero, 2025.

(Sgd.) Lubhang Kgg. Euginius L. Cañete, M.J., D.D.
Obispo ng Diyosesis ng Gumaca

01/12/2024
Pope Francis has appointed Fr. Euginius Cañete of the Missionaries of Jesus (MJ) as the new bishop of the Diocese of Gum...
30/09/2024

Pope Francis has appointed Fr. Euginius Cañete of the Missionaries of Jesus (MJ) as the new bishop of the Diocese of Gumaca.

JUST IN: Pope Francis has appointed Fr. Euginius Cañete of the Missionaries of Jesus (MJ) as the new bishop of the Diocese of Gumaca.

Full story: https://tinyurl.com/3y8fsxec

Location: San Isidro, Catanauan, Quezon
02/09/2024

Location: San Isidro, Catanauan, Quezon

Address

San Isidro, Catanauan, Quezon
Catanuan
4311

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Isidro Catanauan Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share