27/04/2020
ANNOUNCEMENT!!!
sa mga uuwi o may kakilala kayong worker ng uuwi sa Pilipinas, maari po ba i-add nyo ang Bright Star sa inyong messenger (BrightStar PlacementCorporation) kailangan po namin ang inyong information sa pag uwi upang ma pa register sa Owwa.
1) Makipag-ugnayan tayo sa mga agency ng Taiwan,Singapore,Hong Kong,Malaysia,Saudi,Canada at Phil agency tungkol sa pag balik Pilipinas, p**i bigay ang information ng iyong flight details pabalik ng Manila, ilang araw bago ang flight.
2) Ipinapaalam namin sa inyo na may 14 days of mandatory facility quarantine procedures para sa lahat ng pauwing Filino workers, na isinasagawa ng BOQ/OWWA dito sa Pilipinas. Ihanda ang inyong mga isip tungkol sa inconvenience na maaari nyo maranasan sa airport (dahil sa waiting time, anti-body testing process at mga health forms na pipil-apan) base sa OWWA Advisory at pati na din sa lugar kung san kayo dadalhin facility
▪Payuhan ang inyong mga kaanak na huwag sumundo sa airport sa araw ng inyong arrival. Walang susunduin dahil diretsong dadalhin sa quarantine facility ang sinumang OFW na darating.
3) Pinapayuhan na kung maaari magdala ng mga food items (biscuits, cup noodles, quaker oats) na puwede nyo pandagdag habang kayo ay nasa quarantine facility.
4) Matapos ang 14 days of mandatory facility quarantine ng OFW/s, ang Owwa ang mag aarange (ihahatid kayo ng OWWA/DOTr/PCG transport service) sa inyong mga tirahan.
Thank you & Stay safe 🙏