angie_love_06

angie_love_06 Amateur Mobile Photographer
connects people by sharing from
(3)

Blue Green SkyKadalasan hindi natin napapansin ang kulay ng langit. Ang akala natin bughaw lamang ito ngunit nag-iiba-ib...
07/04/2026

Blue Green Sky

Kadalasan hindi natin napapansin ang kulay ng langit. Ang akala natin bughaw lamang ito ngunit nag-iiba-iba pala ito depende sa oras at panahon.

Kuha ito kahapon, Abril 6, 2026 habang nagbabyahe kami sa Provincial Road Saguday Quirino, 5:21 ng hapon.

Nakakamangha hindi ba? Makarating nawa ang good vibes na hatid ng tanawing ito sa iyo.

Shot on Redmi 13C

Pink Moon 🌝Ang ganda talaga ng buwan.May kung anong kasiyahan ang nagdudulot sa akin tuwing nasisilayan ang kabilugan ng...
03/04/2026

Pink Moon 🌝

Ang ganda talaga ng buwan.

May kung anong kasiyahan ang nagdudulot sa akin tuwing nasisilayan ang kabilugan ng buwan 😍.

Trivia: Ang Pink Moon ay hindi talaga kulay rosas. Ito ay isang tradisyon sa North America paukol sa pamumukadlad ng moss phlox na sumisimbolo ng pagsisimula ng Spring season.

Shot on: Redmi 13C with external lense.

Nawa ay mapangiti ka ng buwan gaya ko.



Mga Bulaklak ng Daisy sa Hardin ni Nanay Daisy 🌼Yaong dati'y pangarap na halaman, ngayon ay nasa hardin mo na. Maraming ...
26/03/2026

Mga Bulaklak ng Daisy sa Hardin ni Nanay Daisy 🌼

Yaong dati'y pangarap na halaman, ngayon ay nasa hardin mo na.

Maraming salamat po sa mga nagbigay.

Dito sa probinsya, bawat bahay ay may mga munting hardin . Maaari kang humingi ng nais mong halaman at maaari ka ring mamigay. Napakabait ng mga tagarito.

Shot on Redmi 13C



Inspirasyon Isang malapit na kaibigan ang nagsabi sa akin:"Minsan, akala natin walang kwenta (ang) ginagawa natin pero h...
20/03/2026

Inspirasyon

Isang malapit na kaibigan ang nagsabi sa akin:
"Minsan, akala natin walang kwenta (ang) ginagawa natin pero hindi tayo aware (na) may soul tayong natutulungang maging masaya"

Maging ako ay nasisiyahan kapag mayroong pumupuri na nagiging dahilan ko upang magpatuloy sa ginagawa ko.

Maraming salamat πŸ₯°

Shot on: Redmi 13C

The Blood Moon 2026OMG! Unang beses ko pa lang makasaksi ng lunar eclipse at sobrang nakakamangha. Ito ay mga kuha kagab...
03/03/2026

The Blood Moon 2026

OMG! Unang beses ko pa lang makasaksi ng lunar eclipse at sobrang nakakamangha.

Ito ay mga kuha kagabi, Marso 3, 2026 sa pagitan ng 8:06 hanggang 8:40.

Shot on Redmi 13C with 18X telescope mobile lense.

Maraming salamat sa nagregalo ng aking external lense, ang aking kabiyak ❀️.



Heart Shaped Leaves πŸ’šBefore Love month ends, here are my collection of heart-shaped leaves.First one is caladium, second...
28/02/2026

Heart Shaped Leaves πŸ’š

Before Love month ends, here are my collection of heart-shaped leaves.

First one is caladium, second is giant pothos, third is alocasia and the last one is taro.

The only edible is taro, the rest are ornamental plants.

Hope you guys like it, comment green heart πŸ’š if you do.

Have a blessed day.



Maligayang Araw ng mga Puso ❀️Ang mga larawang ito ay kuha mula sa paaralan ng aking anak. Malalago ang mga rosas na tan...
14/02/2026

Maligayang Araw ng mga Puso ❀️

Ang mga larawang ito ay kuha mula sa paaralan ng aking anak. Malalago ang mga rosas na tanim doon. Napakagandang pagmasdan 😍.

Nawa ay napangiti ka ng mga bulaklak na ito. ☺️

Last Day of January 2026 - Sa Dakong KanluranIto ang part 2 ng previous post ko.Sa umaga, niyayakap ng hamog ang kabundu...
05/02/2026

Last Day of January 2026 - Sa Dakong Kanluran

Ito ang part 2 ng previous post ko.

Sa umaga, niyayakap ng hamog ang kabundukan kaya tila nagtatago ito sa likod ng mga ulap.

Unti-unti naman naglalaho ang hamog pagsikat ng araw.

Pagsapit ng dapit-hapon, anino naman ng bundok ang mamumutawi bago tuluyang dumilim.

Nagustuhan mo ba ang mga larawan? Nawa ay makarating sa iyo ang goodvibes na dala nito.

Shot on Redmi 13C

Maraming salamat πŸ’šβ˜˜οΈ


Last day of January 2026 - Sa Dakong Silangan1st photo - 6:54 AM.2nd to 5th photo - 2:40 PM.Isang magandang araw. Pasens...
03/02/2026

Last day of January 2026 - Sa Dakong Silangan

1st photo - 6:54 AM.
2nd to 5th photo - 2:40 PM.

Isang magandang araw. Pasensya na at inabot na naman ako ng isang buwan bago magpost ulit dahil naging abala ako sa aming kabuhayan. Matapos ang mga kabi-kabilang deadlines, heto na! Sa wakas makakapagbahagi muli ako ng mga larawan. Kuha ito sa aming likod bahay.

Ang ganda no! 😍

May pa-Welcome pa nga si February. Nakita mo ba ang hugis puso na ulap? Kung nakita mo, comment ka ng πŸ’™.

Maraming salamat.

Shot on Redmi 13C


Ang Mukha ng BundokHappy New Year!Kay sarap talagang pagmasdan ang mga bundok at ang kalangitan. Narito ang aking mga ku...
03/01/2026

Ang Mukha ng Bundok

Happy New Year!

Kay sarap talagang pagmasdan ang mga bundok at ang kalangitan. Narito ang aking mga kuhang larawan nitong nakaraang taon 2025.

Magpahanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan ng bundok na ito. Nawa ay malaman ko rin.

Alin dito ang iyong paborito? I-comment mo sa ibaba.

Shot on Redmi 13C.

Be inspired by nature. Follow me on IG, FB and Threads

Thank you so much for your support πŸ’šβ˜˜οΈ

Double Petal Yellow CosmosAng buong akala ko, hindi na tutubo ang sinaboy kong buto ng yellow cosmos o kilala din sa taw...
20/12/2025

Double Petal Yellow Cosmos

Ang buong akala ko, hindi na tutubo ang sinaboy kong buto ng yellow cosmos o kilala din sa tawag na sulfur cosmos.

Mula nang tumubo ito, lagi kong inaabangan ang pumumulaklak nito.

Bagaman napakaganda nito at nakakapang-akit ng iba't ibang klase ng paru-paro, tinuturing itong invasive plants.

Shot on Redmi 13C

Be inspired by nature. Follow me on Instagram, Facebook and Threads.

Thank you for your support β˜˜οΈπŸ’š



Saan ka Nakaharap?Kadalasan hindi na natin alam kung saan tayo patungo. Puro problema at kung mga agam-agam ang dulot sa...
10/12/2025

Saan ka Nakaharap?

Kadalasan hindi na natin alam kung saan tayo patungo. Puro problema at kung mga agam-agam ang dulot sa ating buhay.

Nawa'y maging tulad tayo ng bulaklak na ito. Hindi man nila nakikita ngunit nararamdaman nila at humaharap sila sa liwanag.

Hanapin natin ang liwanag kahit gaano kadilim. Ang ating pananampalataya ang tanging paraan.

Shot on Redmi 13C

Be inspired by , follow me on Instagram, Facebook and Threads.


Address

Quirino
3403

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when angie_love_06 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share