17/07/2025
Appreciation post sa delivery team!
Ulan, init, pagod, puyat at aksidente ang kalaban sa apat hanggang limang araw nila sa delivery. Natutulog lang sa loob ng truck, kinakagat ng lamok at nilalamig pero walang reklamo kasi nga "kasama sa hanapbuhay yan"
"Marami kana sigurong pera kasi may negosyo ka"
Kung alam nyo lang kung gaano kahirap ang ganitong negosyo, kung nakikita nyo lang at nasaksihan ang ganitong trabaho, siguro maintindihan nyo.
Makikita mo sa mga mukha nila ang pagod. Katawan na ang nagrereklamo pero tuloy parin ang buhay. Paninindigan namin ang "free door to door delivery all around luzon" bundok man yan or highway, mabato man o sementado na daan basta kaya lang pasukin ng sasakyan.
Sa mga mahal naming resellers, sana tulungan nyo kaming ipaintindi sa mga buyer natin yung mga unexpected delays ng delivery na hindi natin kontrolado.
Sa mga mahal naming buyers, sana po maintindihan ninyo kami kung hindi kami makakarating on time. Wag po sana ninyong sigawan at maliitin ang delivery kasi hindi natin pwedeng madaliin ang takbo ng byahe at hindi natin kontrolado ang kalsada.
Maraming maraming salamat din po sa mga buyers na may mabubuting puso. Yung mainit na kape at tinapay na inaabot ninyo sa delivery team ay napakalaking bagay na po. Yung iba nagbibigay ng saging, bigas, manok, pagkain, softdrinks, halaman at pera (tip). Yung iba na nag offer ng matutulugan, nagpapagamit ng banyo para makaligo naman yung delivery team.
Maraming maraming salamat po! May God bless us all.
Call now to connect with business.