The Karpinters

The Karpinters We custom-build furnitures using reclaimed European Wood Pallets.
🔨 [email protected]

05/10/2025
06/09/2025
23/08/2025

Wag ka papayag ng pakyawan dahil ang pakyawan na sahod ay para lamang sa karpintero o contractor na sigurado kang mahusay gumawa at responsable sa working hours.--- In short subok mo na sya na mahusay gumawa at sya mismo ang gagawa ng trabaho (hindi yun iuutos nya lang sa tauhan nya).

Wag ka mag-aadvance ng bayad o magpapa-bale. Kaka-bale nyan, hindi na yan masosoli sa iyo. Malas mo pag palpak pa ang trabaho.

Ikaw maghanap at bumili ng materyales mo para cgurado mura at bago. Make sure kumpleto ang materyales bago dumating ang araw ng paggawa. Para di maaksaya ang oras ng trabahador sa kaka-tunganga dahil lang kulang at inaantay na mabili ang materyales.

I-monitor mo bawat paggawa ng trabahador mo para cgurado ka nasa ayus ang pag gawa at mga materyales mong bago ang kinakabit o ginagamit nya. Hindi yun ninanakaw nya o pinapalitan nya ng luma nyang gamit. Kaya nga dapat bantay sarado mo sya.

Para sure ka kung nasa tama ang paggawa nya, mag tanong tanong ka sa engineer, plumber, social media etc. at research sa internet dn.

Kung di ka sigurado kung mahusay ang trabahador,, wag ka papayag sa pakyawan. Arawan lang dapat para masubukan mo sya. Pag nakita mo palpak at nagbabagal sa trabaho, palayasin mo agad at wag mo na pabalikin. Kaysa dugasin ka at aksayahin ang materyales at budget mo.

Again, uulitin ko, ang pakyawan pasahod ay para lamang sa trabahador na subok mo nang mahusay gumawa at responsable sa working hours para di masayang ang panahon, budget at materyales mo.

About sa pagkain kakainin ng trabahador, hindi mo sila obligasyon pakainin. Pwede naman sila magbaon ng food nila.

Kung may budget ka at masaya ka naman maglibre ng food like merienda kasi mahusay sila gumawa at responsable sa working hours, pwede din.

Again, hindi mo obligasyon mag libre ng food.

Iwasan ang makipag chikahan sa trabahador para di maaksaya panahon nila sa paggawa, pero bantay sarado mo para mamonitor mo at mamandohan mo kung ano ang gusto mo mangyari sa pinapagawa mo.

Kung may sosobra sa materyales mong bagong bili o may natira pa gaya ng pintura, turnilyo, pako, bostik glue, tiles, cutter, paint brush, electrical tape etc. at interesado ka pang kuhain, ipapa-iwan mo yan sa iyo. Kasi sa ikaw bumili nyan so sa iyo yan. Minsan automatic nila inuuwi yan. So babantayan mo yan at magsabi ka iwan nila yun sa iyo.

Mag ingat sa sobra sobra magpabili ng materyales kasi yun iba sinasadya na sobra tapos tinatago yun sobra o hinihingi. Bantayan mo yan.

Matuto ka din magsukat ng gamit, ng espasyo etc. gamit ang metro para ma-estimate mo kung sapat na ba ang materyales na pinabibili.

Para may idea ka din sa presyo ng materyales gaya ng semento, hollow block etc, mag check ka sa presyo sa internet gaya ng shopee, carousel, facebook etc...wag kang basta bigay ng bigay ng pera.

Mas maganda na may tao ka pinagkakatiwalaan bumili ng materyales at taong nagbabantay sa trabahador.

Or kung may gamit kang luma na pinapalitan mo ng bago gaya ng door k**b, gripo, switch etc. pero pwede mo pa magamit o interesado ka pa gamitin, sabihin mo sa trabahador mo na kalasin ng hindi masisira at kukuhain mo yun. Kasi pag wala ka sinabi, automatic shoot nila yan sa bag nila at inuuwi nila yun para pakinabangan nila. Babantayan mo din yan at magsabi ka na kukuhain mo yun.

Hope nakatulong itong payo ko sa iyo.

09/07/2025
08/07/2025

25/04/2025
24/04/2025

Address

Canlalay
Binãn
4024

Telephone

+639224442814

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Karpinters posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Karpinters:

Share