10/02/2026
𝟭𝟱 𝗣𝗹𝗮𝗻𝘁𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗷𝘂𝗮𝗻𝗮, 𝗡𝗮𝗱𝗶𝘀𝗸𝘂𝗯𝗿𝗲 𝘀𝗮 𝗕𝗲𝗻𝗴𝘂𝗲𝘁; 𝗠𝗮𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗣𝟯𝗠 𝗻𝗮 𝗛𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗷𝘂𝗮𝗻𝗮 𝗡𝗮𝗸𝘂𝗺𝗽𝗶𝘀𝗸𝗮
Muling nagtagumpay ang serye ng ma*****na eradication operations na inilunsad ng mga kapulisan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) matapos makumpiska ang PhP3,404, 000.00 na halaga ng tanim na ma*****na sa lalawigan ng Benguet noong Pebrero 7, 2026.
Sa Kibungan, 14 plantasyon ng ma*****na na natamnan ng 15,030 fully grown ma*****na plants (FGMJP) at 1,200 ma*****na seedlings na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na PhP3,054,000.00 ang nadiskubre ng mga operatiba mula sa Kibungan Municipal Police Station (MPS), 1st at 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company (PMFC), Provincial Community Affairs and Development Unit, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Benguet Police Provincial Office (PPO), Regional Intelligence Unit 14 (RIU-14), Regional Mobile Force Battalion 15, Special Operations Unit-CAR, 11th SAB PNP- SAF, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-CAR sa Brgy. Palina, Brgy. Tacadang, at Brgy. Badeo.
Sa Bakun naman, isang plantasyon ng ma*****na na natamnan ng 1,750 FGMJP na may SDP na PhP350,000.00 ang nadiskubre ng Bakun MPS, 1st PMFC, PIU, at PDEU ng Benguet PPO, Regional Intelligence Division ng PRO CAR, RIU-14, at PDEA-CAR sa Brgy. Kayapa.
Ang mga nadiskubreng mga ma*****na ay agad na binunot at sinunog ng mga operatiba, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng plantasyon ng ma*****na sa mga kalapit na lugar at maaresto ang mga indibidwal na responsable sa pagtatanim nito.
"Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman"